Lunes, Pebrero 20, 2012

1st Enchanted Kingdom!

February 19-


Sobrang biglaan lang 'to. Mag a-anniversary si Ren & Josh, gusto nila mag EK ee since di pa ko nakakapunta dun, sumama kami ni yammy. Sa sobrang excited usapan namin 7:00 am, dumating si Ren sa tamang oras excited daw sya anniversary nila e. Sumunod ako ng mga 8:00am, kinabahan ako O.O akala ko kasi sobrang late ko na. Ayun as usual, ang aking pinakamamahal ay late nanaman. Dinaanan nalang ni Josh si Khyle sakanila kaya dumating na sila ng mga 9:00am. Sa totoo lang, Grabe yung feeling ko nun. 1st time ko kasi makakapunta tapos si Yammy pa kasama ko. Sweet lang. Pag dating nya, nagalit pa sya sakin. nang-iiwan daw kasi ako. Ewan ko ba, lagi naalng ako nasasanay mauna mag lakad ng parang walang kasama. Nahihiya tuloy ako kay yammy tapos nag sosorry nalang ako, pero ng nakapag-palamig na ng ulo. Happy happy na ulit! alam kong ayaw nya ring masayang yung araw namin. Pag dating namin ng EK, HAHAHAHAHA! natapilok pa, na-amaze kasi ako, ignorante. :"> kasi naman e, Pangarap ko kaya yun! Una naming sinakyan, Flying Fiesta. Petiks lang! para lang akong nasa mataas na duyan, na tinutulak ng malakas, katabi si yammy ko Sunod Anchors Away, nakakaexcite talaga! si Ren takot na takot na, ako petiks pa rin. Sabi nya pag sisisihan ko daw yun, HAHAHAHA. pag ka sakay namin, pinag sisihan ko nga. HAHA. Di naman, para kasing kinukuha yung kaluluwa ko. Pero sobrang enjoy. Naka-5 na beses nga kami dun e. 
Marami pa kaming sinakyan, Space Shuttle, Swan lake, Wheel of Fate, Roller Skater, Bump Car, Jungle log & Rio Grande kung saan kami naligo ng todo todo, lalo na si yammy. haha! parang ang bad ko nga nun e, sobrang natatawa kasi ako :D siya lang halos sobrang basa samin, as in walang tuyo. Sakto umaambon na rin nun, wala na kaming paki maulanan. Kumuha kami ng Picture sa jungle log, nakakiss sya sakin, ako naman todo ngiti. :"> Sweet nga daw sabi nung babae. Tapos nakarami din kami laro, sayang wala kami naiuwi ng unggoy. Baliw nga yun si yammy, nag sayang ng 400 dun para lang makuha yung monggoy para sakin :"> kakaloka talaga yung lab ko. Ano ano din nakain ko dun. Basta marami kaming ginawa, lahat yun nasiyahan ako. Finale yung Fireworks! Ang ganda, katabi ko pa si Yammy Sarap alalahanin ng mga moment na ganun. Thank you Lord. 
Tapos umuwi na kami, Umuulan pa rin basa na talaga kami. Halos natulog lang kami sa Van. Pag dating namin sa pala-pala, hinawakan ako ni Yammy ramdam nyang tumatayo na yung balahibo ko sa sobrang lamig, todo protekta sya sakin. Nagulat ako gusto nya mag Cr muna, :( hinubad nya yung suot nyang longsleeve para isuot ko pang patong para hindi na ako lamigin. samantalang sya, susuotin nya ulit yung damit nya na basang basa dahil dun sa Rio Grande. :( kakatouch na, nakakalungkot. Syempre ayoko ng ganun, Sya naman yung nangangatal sa lamig. Pero wala akong magawa e, magagalit sya pag di ko isusuot. Naramdaman ko yung sobrang inaalagaan, kahit masama yung loob nya nag sakripisyo pa rin sya para sakin. Sobrang sweet talaga ng Yammy ko. =( kaya mahal na mahal ko yun e, makakatikim talaga ng sampal de gulat aagaw kay yammy. Kaya eto, hindi ko man magawa yung ginawa nya pero ssiguraduhin kong ssuklian ko yung ginawa nya para sakin. Mas aalagaan ko sya sa mga paraang alam ko. :') Sobrang mahal ko talaga yung batang yun. Sya lang gumagawa sakin ganito, kakatouch. Sarap maramdaman na may nag mamahal. SALAMAT KHYLE Salamat sa lahat lahat, Grabe may nag fflow na Tears of Joy. Wala na kong masabi. Sobrang saya ko, Mahal ko si khyle.




 The best Boyfriend, mahal kita sobra :') Salamat sa lahat ng effort mo. Hindi ko babaliwalain yun lahat yam. Ganun din ako sayo. I love you! sana mas matagal pa kitang makasama. Gusto kita alagaan hanggang sa pag tanda ko, I LOVE YOUUUU FOREVER




# Luckiest Girl